Tuesday, August 13, 2013

"WIKA NATIN ANG DAANG MATUWID"

"WIKA NATIN ANG DAANG MATUWID"

                    In every year in the month of August we celebrate the National Language with the theme:"Wika Natin Ang Daang Matuwid."  

                    Filipino ang gamit nating Wika mula pa noong nakalaya ang bansa sa mga dayuhang dumating sa ating lugar. Ito ang wikang nagdulot ng pagkakadikit ng bawat mamamayan. Sa bunga nitong pagkakaintindihan , tayo ay nagtulungan  sa pagbango at paglikha ng malayang pamahalaan. Sa kasalukuyang estado ng ating bansa , makikita na ang pagdami ng mamamayan na patuloy na umuusbong ang ating sariling Wika. Bakit sa gitna ng kalayaan na atin nakamit, ang kapalarang hatid ay parang lubos pa ring masakit? Isa-isang nagpupunta ang ating mga kababayan sa ibang bansa para mag-aral , magtrabaho at nagiging bihasa sa banyagang Wika. Nagiging makasarili tayo sa isang bagay na kinasasaya natin ngunit nanaig ang pagtutulungan sa isa't isa.;bayanihan ika nga. Ito ang isa samga pinakamalumang ugaling ating namana. Halina para ipasa natin sa bawat Pilipino. Kung isasapuso ang Filipino ng lahat ay mahiwaga ang magagawa nito. Kung pagsisikapan lamang linangin ang katalinuhan ng mga Pilipino at kung kabiak natin ang pagmamahalan; makakamit natin ang layang masarap ipagmalaki;maiaahon natin ang bansa sa pagkakabigti. Kung magsasalita ang bawat isa sa atin Wikang kinalakihan, bubuhos ang mga biyaya ng oportunidad lalo na sa mga makabayan at mapagmahal. Uunlad din tayo, mag-uumpisa man tayo, mag-umpisa man tayo sa sariling bayan ay mababalitaan din ito ng buong mundo. Kapag tayo ay maunlad na , mawawala  na ang mga tinik sa ating mga dibsib. Maaalis na rin ang galit dahil nakakita tayo ng paraan upang makaakyat ng sabay-sabay . Ang pagtaas nila sa bandila ng ating bansa ay naghahatid ng panibagong simula.
                    Our Filipino Language is the treasure  of the whole Philippines. And is to identify the Language that we have.

No comments:

Post a Comment